Ikinuwento ni Rocco Nacino nahirapan siya noong suyuin si Melissa Gohing dahil na-“bro zoned” at pina-background check pa siya bago niya ito napasagot.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, sinabi ni Melissa na kinailangan niyang mag-adjust sa mga unang taon ng relasyon nila ni Rocco.

“I had to ask a friend to background check him. Okay naman. I mean, meron siyang past but he’s a good man, a good son,” ani Melissa.

Sa unang date nila ni Rocco, tinapat na agad ito ni Melissa.

“Ang sabi ko sa kaniya, ‘You know what, I’m looking for a husband, not play by play boyfriend. I told him na diretso kasi at that time, I was so busy with everything. Everything was going right with my career,” sabi ni Melissa.

Pero si Rocco, handa na noong mga panahon na iyon.

“Game!” tugon ni Rocco matapos siyang diretsuhin ni Melissa.

“At that time I was done looking for myself. I was single for more than a year. Doon ko nasabi na ‘Maybe ready na ako, kung sino ang makilala ko and okay lahat, let’s see how it goes,” anang Kapuso actor.

Ngunit noong gumagawa na ng kaniyang mga “first move,” inamin ni Rocco na naging hamon ito sa kaniya.

“It took me a while, kasi bino-‘bro’ niya ako. ‘Bro, ilan ang tattoo mo?’ ‘Thanks bro!’ ‘Sa ano bro,’” kuwento ni Rocco na tinatawag niya sa kaniya noon ni Melissa.

Paliwanag naman ni Melissa mayroon siyang mga malapit na kaibigang lalaki na tinatawag nitong bro at dude.

Bago pa pormal na magparamdam, unti-unti na raw inihahayag ni Rocco ang kaniyang paghanga kay Melissa.

“Before that you (Rocco) were sliding into my DM’s. It started from there,” kuwento ni Melissa.

“For me, I took it [as a] casual friend. Hindi ko nilagyan ng meaning… Kasi sanay ako na marami akong guy friends,” anang volleyball player.

Ikinasal sina Rocco at Melissa noong 2021.

Isinilang ni Melissa ang baby nila ni Rocco na si Baby Raffaello noong 2022. --FRJ, GMA Integrated News