Inihayag ni Gee Canlas na nananatili siyang matatag bilang isang solo parent sa anak na si Caleb.

“I'm a solo parent. I don't want to say any specifics about the situation. Gusto ko lang move forward na tayo. How do I turn this situation for good so I can be the best for Caleb, for my son,” sabi ni Gee sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes.

Sa kaniyang Instagram, makikita ang kaseksihan at pagiging glowing ni Gee sa kaniyang pinakahuling photoshoot.

“Still figuring things out. Still healing. But rooted again. Here’s to rediscovering what was never really lost. My Gazelle-ness. My Gee-ness. Happy REBIRTHday to me.” caption niya sa post.

“I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more.  For myself, for Caleb, for the people I love, and for the work that’s always felt like home to me. That’s the only way I can be fully me as a daughter, sister, a friend, a woman… as a solo parent,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Gee, hindi na niya hahayaan na isakripisyo ang sarili para sa iba.

“My heart, is this (tinuturo ang anak na si Caleb). It's better. It's healing. I wouldn't say na I'm at a place na sobrang 100%... But I have a very faithful God who helps me in my everyday. I think naman I'm getting stronger everyday,” sabi ng “House of Lies” star.

Nagpapasalamat siya sa kaniyang mga mapagkakatiwalaang kaibigan, na karamay niya sa kaniyang pagiging solo parent.

Gumaganap si Gee bilang si Hannah, na malapit na kaibigan ni Marjorie na ginagampanan ni Beauty Gonzalez, sa House of Lies.

“I do provide a little relief for Marge kasi ang bigat talaga. So siyempre sa totoong buhay, ‘pag meron kang mabigat na pinagdadaanan, may tinatakbuhan kang kaibigan. So ‘pag gano'n, you try your best to cheer her up in a way na dinadamayan mo pa rin siya, vina-validate mo pa rin ‘yung nararamdaman ng tao,” kuwento niya sa kaniyang role.

Pero sa totoong buhay, mga piling tao ang pinagkakatiwalaan ni Gee.

“I don't have a big circle but I do have a trusted circle,” saad ng aktres.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News