Nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang babaeng vlogger at disc jockey na may sugat sa mukha matapos umanong bugbugin ng kaniyang fiance.

Sa ulat ng GTV news "State of the Nation" nitong Miyerkules, makikita ang biktima na duguan ang mukha sa social media post ng kaibigan niyang si Christian Tugado.

Ayon pa sa ulat, may mga pasa rin ang vlogger.

Sinabi ni Tugado, na nagulat sila sa sinapit ng kanilang kaibigan dahil pinagkakatiwalaan nila ang fiance nito.

Hindi na muna binanggit ang pangalan ng biktima at detalye sa pangyayari dahil maaari itong maging isang kaso ng violence against women and children.

Ayon sa kampo ng biktima, nagtungo na sila sa National Bureau of Investigation para maghain ng reklamo laban sa fiance.—FRJ, GMA Integrated News