Nauwi sa trahedya ang pamamasyal ng mga magkakaibigan nang maaksidente ang isa sa kanila matapos mag-dive sa swimming pool na mababaw lang pala ang tubig sa isang pribadong resort sa Karnataka, India.Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapanonood ang viral video na inilabas ng mga awtoridad kaugnay sa nangyaring insidente sa naturang resort.Isa sa mga guest ang nag-dive sa pool, na kinilalang si Nishant, 35-anyos.Nakikiramdam naman ang kaniyang kasama na mga biker matapos hindi umangat sa tubig ang kaniyang ulo.Ilang saglit pa, naalarma na ang buong grupo, at agad iniahon si Nishant, na wala nang malay noon.Katatapos lang nila noong mananghalian nang maisipan ni Nishant na mag-swimming sa pool na 4.5 talampakan ang lalim.May tangkad namang 5'10 si Nishant.Base sa pagsusuri ng mga doktor, nagtamo ng spinal cord injury si Nishant matapos siyang tumama sa sahig ng pool.Sa kasamaang palad, hindi bumuti ang kondisyon ni Nishant at pumanaw.Walang inilabas na opisyal na pahayag ang resort at ang pamilya ni Nishant sa nangyaring trahedya. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News