Literal na abot-kamay na ng mga Pilipino ang mga balita at impormasyon kaugnay sa gaganaping halalan sa Lunes, Mayo 12,2025 sa pamamagitan ng Eleksyon2025.ph. ng GMA Network.

Maaari nang bisitahin ang website na Eleksyon2025.ph., at makikita rin sa pamamagitan sa GMA News Online.

Bukod sa mga pinakamaiinit na balita, makatutulong din ang Eleksyon2025.ph para makilatis ang mga kandidato, at ang magiging bilangan ng mga boto.

Mayroon din itong My Kodigo na magagamit na gabay ng mga botante sa pagpili ng nais nilang iboto.

Bukod sa makikita ang mga kandidato sa My Kodigo, maaari ding mag-practice dito sa pagboto, at i-print ang mga napili sa sample ballot upang maging gabay sa araw mismo ng halalan.

Sa darating na Mayo 12, 2025, gamitin ang inyong karapatan at maging matalino sa pagpili ng mga nais ninyong lider at magtungo sa inyong local precincts para bumoto.— FRJ, GMA Integrated News

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.