Nakataas ang Signal No. 1 sa apat na lugar, habang bahagyang lumakas ang Tropical Depression na si “Crising,” at posibleng maging tropical storm sa Huwebes ng umaga, ayon sa PAGASA.

Sa 11 p.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA nitong Miyerkules, tinukoy ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 na:

  • Southeastern portion ng Cagayan (Gattaran, Baggao, Peñablanca)
  • Eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Pablo, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Echague, Jones, San Agustin, Naguilian, City of Cauayan, Angadanan, Gamu, Cabagan, Reina Mercedes)
  • Northeastern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), at
  • Northeastern portion ng Quirino (Maddela)

Namataan si Crising sa 615 kilometers east ng Virac, Catanduanes o 630 km ng Juban, Sorsogon, taglay ang pinakamalakas na hangin na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 70 km/h.

Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa bilis na 10 km/h.

“Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1,” babala ng PAGASA.

Samantala, magdudulot naman ang Southwest Monsoon o habagat ng pag-ulan sa sa Batangas, Quezon, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga del Norte, Camiguin, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Davao Occidental, at Davao Oriental sa Huwebes.

Ayon pa sa PAGASA, kikilos si Crising pa-northwestward sa susunod na 48 oras.

"It may pass close or make landfall over mainland Cagayan or Babuyan Islands from Friday evening to Saturday (19 July) early morning," dagdag pa ng PAGASA. "Afterwards, it will move west northwestward and may exit the Philippine Area of Responsibility on Saturday afternoon or evening."  — FRJ, GMA Integrated News