Inihayag ni Shuvee Estrata ang kaniyang posisyon laban sa relasyon na may kasamang pakikipagtalik pero hindi pa kasal.
Sa vlog ni Vice Ganda na bisita niya sina Shuvee at Ashley Ortega, sinabi ni Shuvee na non-negotiable sa kaniya ang sex bago ang marriage.
"It's hard for me to trust, 'di ba? Pero at the same time, gusto ko din namang magmahal. Kasi non-negotiable ko, meme, ang sex. I don't support premarital sex," saad ni Shuvee.
Hayagang tinanggihan ng dating PBB housemate ang ideya ng pakikipagtalik para lamang sa kasiyahan, pagsubok, at paghahanap kung ano ang gusto ng isang tao sa isang kapareha.
"I don't believe in that kasi bakit ka manggagamit ng ibang tao, ibibigay mo 'yon, tapos you're gonna make it easy for them to get you, and then hindi mo naman talaga 'yun bina-value, and then nabigay mo na," pahayag pa ng aktres.
Bagaman iginagalang niya ang desisyon ang bawat isa, sinabi ni Shuvee na malinaw ang kaniyang posisyon sa naturang usapin.
"Kaniya-kaniya naman tayo. It's just that nung tinanong ako kung anong stand ko, 'yun 'yung stand ko," paliwanag niya.
Alamin kung sino ang mga celebrity couple na nagpahayag na piniling magpakasal muna bago ang magtalik. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/MGP GMA Integrated News

