Hiwalay na ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson, ayon sa Star Magic.
Sa inilabas na pahayag ng Star Magic nitong Huwebes, sinabing “the two have mutually decided to end their relationship.”
“We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives,” saad sa pahayag.
“Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support,” dagdag nito.
Taong 2021 nang kumpirmahan ng dalawa ang kanilang relasyon, dalawang taon matapos nilang itanggi na sangkot si Julia sa hiwalayan nina Gerald at dating nobya na si Bea Alonzo noong 2019.
Nito lang nakaraang Hunyo, itinanggi ni Gerald ang mga hinala na hiwalay na sila ni Julia, at sinabing, “we’re okay.”
Noong 2024, nagbukas si Julia tungkol sa pagtanggap ng "accountability " kaugnay ng kontrobersiyang Bea-Gerald breakup. Aniya, "you have to take accountability for, anong naging role mo sa chaos na 'yun." — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News

