Inihayag ng aktres at Quezon City councilor na si Aiko Melendez na hiwalay na sila ng kaniyang nobyang kongresista na si Jay Khonghun ng Zambales.

Sa isang pahayag sa social media ngayong Biyernes, sinabi ni Aiko na ilang buwan ang lumipas bago sila nagpasya na maghiwalay ng landas ni Jay.

"After four months of reflection and careful consideration, Congressman Jay Khonghun and I, Councilor Aiko Melendez, have mutually decided to part ways and go our separate directions,” saad ng aktres.

“This decision was not made lightly but comes from a place of respect and understanding of what is best for both of us at this time,” dagdag niya.

Nilinaw din ni Aiko na walang third party na sangkot sa kanilang paghihiwalay.

Humiling si Aiko ng privacy at pang-unawa sa kanilang sitwasyon. Nagpasalamat din siya sa mga follower sa natatanggap na suporta at dasal.

Taong 2018 nang maisapubliko ang relasyon nina Aiko at Jay.— FRJ GMA Integrated News