Nauwi sa totoong takot ang naramdaman ng mga sumakay sa horror train ride sa isang peryahan sa Bacolod City matapos itong madiskaril.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente noong Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, ilang beses munang umikot ang horror train rider bago ito nadiskaril at tumagilid.

Napaiyak ang ilang sa mga sakay at mayroong mga hinimatay, nasugatan at nadaganan ng kaha ng train ride.

Kaagad namang inispeksyon ng mga awtoridad ang peryahan, at pinayagan din kinalaunan na magpatuloy sa operasyon maliban sa horror train ride.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang operator ng peryahan pero sinagot na raw nila ang gastos sa pagpapagamot ng mga biktima.—FRJ GMA Integrated News