Kinastigo ng apo ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na si Ricky Quezon Avanceña, ang pelikulang “Quezon” na hango sa buhay ng kaniyang lolo sa gitna ng Q&A session ng isang screening na dinaluhan ng mga artista at gumawa ng pelikula.
Sa isang video na kumalat online, makikita si Avanceña habang galit na nagtatanong kay direk Jerrold Tarog kung isa bang political satire ang ginawa nitong pelikula.
Sumagot si Tarog ng “Yes,” kaya agad na tugon ni Avanceña, “So nagbibiro ka lang pala?”
Sagot ni Tarog, “No, the topic’s serious.”
Hirit uli ni Avanceña, “Joke lang pala?”
Sabi naman ni Tarog, “We will leave that to the audience to decide if it’s something that they would want to process.”
Sinundan ito ni Avanceña na, “So you admit, this is a satire?” He then turned to the audience and said, “So ‘wag natin papaniwalaan, joke pala ito. It’s a joke. It is satire.”
Bunga nito, tumayo ang bida sa pelikula at gumanap bilang Quezon na si Jericho Rosales at nagsabi kay Avanceña na, “With all due respect sir, I understand your feelings. But this is a Q&A, sir, a Q&A for our film.”
Nakiusap si Jericho kay Avanceña na bigyan ng pagkakataon ang iba na magtanong. “We’re gonna listen to you but there’s a space and time—”
Pero sumagot si Avanceña at sinabing, “Jericho, ‘wag mo ‘kong ganyanin ah. Patapusin mo ‘ko, one minute, I’m done.”
Isang staff member din ang lumapit kay Avanceña, at sinabing may iba pang nais magtanong.
Sinabi ni Avanceña na tatapusin lang niya ang nais niyang sabihin. Aniya, ikatlong beses na niyang pinanood ang pelikula at nakita niya ang mga komento at pambabatikos sa social media tungkol dito.
“What you have opened, Mr. Tarrog, is a Pandora’s Box,” ani Avanceña.
Sinabi pa ni Avanceña na dapat magsaliksik ang film crew at audience dahil tila lumalabas umano na “joke lang lahat.”
“Hindi niyo alam ang ginawa niyo. Dahil kayo, gusto niyo kumita ng pera, gusto niyo sumikat, sinalaula ninyo ang alaala ng isang pamilyang nagbuwis ng buhay,” ani Avanceña. “Anyway, tapos na ‘ko. Mahiya kayo.”
“China-channel ko ngayon ang aking lolo sa pagsabi ko sa inyo nito. P-nyeta kayo, mga p-tangina niyo. Mga k-pal kayo!,” sabi ni Avanceña sabay bitaw sa mic at umalis.
Sa Facebook, ikinuwento ni Avanceña ang nangyari at sinabing hindi nito ibig sabihin na hindi dapat panoorin ang pelikula.
“So, I'm not saying don't watch the movie, hayaan na natin kumita ‘yung mga bayarang p-ta na ‘yun sila. Watch it, and then join me in a social media defense mga Quezon followers,” saad niya.
“Nobody said he was a hero, so labas sya sa kabaduyan ng 'Bayaniverse,'” dagdag niya. “He was a President, and the best ever most incorruptible.”
Pahayag ng TBA Studios
Sa Facebook, naglabas ng pahayag ang TBA Studios, ang production company na nasa lkod ng pelikula. Sinabi nito na “the film is grounded in verified historical accounts, including President Quezon’s own autobiography and other reputable sources.”
“While the film includes fictional elements for thematic purposes, the facts and details presented in the film are easily verifiable through public records, online research, or library resources. To support further learning, the production has released a Study Guide and Companion Book with a comprehensive list of the books and references used in the film’s research,” patuloy ng TBA.
Hinikayat nila ang publiko na panoorin ang pelikula, “so they can form their own opinions and join the ongoing conversation about the film, our history, and how it continues to resonate today.”
“We hope that #QUEZON can continue to inspire meaningful dialogue, reflection, and a deeper appreciation of our nation’s past," ayon pa sa pahayag.— mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ GMA Integrated News

