Hindi pa man lubos na nakababangon ang Cebu sa pagtama ng lindol, hinagupit naman ito ng bagyong “Tino,” na nagpalubog sa baha sa maraming lugar. May kaugnayan kaya sa matinding pagbaha ang mga sinasabing palpak na flood control projects o may iba pang dahilan? Alamin.

Dahil sa tindi ng hagupit ng bagyo sa lalawigan, mahigit 100 katao ang nasawi sa Cebu, at marami pa ang nawawala.

Bukod sa mga bahay at kabuhayan na nalubog sa kulay tsokolateng tubig-baha, naging larawan din ng delubyo ang mga sasakyan na tinatangay ng agos, at mga nagkapatong-patong na mga sasakyan.

Para sa naturang episode, lumipad patungong Cebu si Jessica Soho, at sa eroplano pa lang ay mayroon na kaagad siyang napansin.

Hindi rin niya inasahan ang kaniyang inabutan sa isang evacuation center, at nakausap niya ang isang ginang na nakaligtas sa delubyo pero nawalan ng asawa, dalawang anak, at may nawawala pang mga kamag-anak.

Tunghayan ang buong kuwento na ito ng “KMJS” na ika-10 bahagi ng kanilang report tungkol sa “Katakot-takot na Kurakot.” Panoorin. – FRJ GMA Integrated News