Ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at isang kontratista ang tinukoy ng Department of Justice (DOJ) na mga state witness sa isinampang kaso kaugnay sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Nitong Huwebes, kinumpirma ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida na apat ang pasok na sa Witness Protection Program. Kabilang ditto sina dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo at dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara.

Kasama rin sina dating DPWH Engr. Gerard Opulencia at contractor na si Sally Santos, may-ari at manager of SYMS Construction Trading.

“Isa sa karapatan ng mga state witnesses na ina-admit sa programa is to be discharged from criminal liability,” sabi ni Vida sa isang press briefing.

“Dun ‘yun sa particular na kaso na tinutulungan nila kami, sa mga kaso na sila ay nagbigay ng ebidensya na magagamit ng estado, dun sila dropped. Pero kung halimbawa merong kang isa pang kaso na ibang usapin,” dagdag niya. — Sundy Locus/FRJ GMA Integrated News