Aabot sa halos tatlong kabang bigas ang bigat ng isang dambuhalang lapu-lapu na nahuli sa Surigao City.
Ayon sa ulat sa "News to Go" nitong Huwebes, halos kasing laki ng tao ang isda, na may timbang na 130 kilo.
Kwento ng mangingisda na nakahuli dito na si Cesar Laon, nagpatulong pa siya sa kanyang mga kasamahan para madala ang huli sa bangka.
Ayon kay Laon, ito na raw ang pinakamalaking isda na nahuli niya.
Namangha rin sa dambuhalang lapu-lapu ang mga residente. — Jamil Santos/MDM, GMA News
