Dilaw o kulay ginto ang karaniwang kulay ng honey o pulot na nagmumula sa mga bubuyog. Pero may kumakalat ngayon na balita tungkol sa umano'y pambihirang pulot na kulay berde o "green honey" na nakagagaling daw ng ilang karamdaman gaya ng ubo at ginagawa pa raw bitamina ng iba.

Sa nakaraang episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," nakausap ang isang lalaki na nangunguha umano ng green honey na mula sa mga bubuyog na kung tawagin ay "buligan."

Taliwas sa ibang bubuyog na namamahay sa mga matataas na lugar gaya ng puno, ang mga buligan umano ay namamahay daw sa ilalim ng lupa at sa gabi magandang kunin ang mga pulot nito.

Para malaman kung totoo na mayroong berdeng pulot o gawa-gawa lang, ipinasuri ng "KMJS" sa eksperto ang mga nakalap na green honey. Panoorin ang naging resulta sa isinagawang pagsusuri:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News