Basura para sa iba ang mga luma at hindi na nagagamit na mga tsinelas. Pero para sa malikhaing isip at kapus sa buhay na si Elmer Padilla, ito ang nagsasalba sa kaniya at kaniyang pamilya para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," kilalanin at alamin ang simpleng buhay si Elmer, ang lalaki na nag-viral kamakailan sa social media matapos lumabas ang kaniyang larawan at mga obra na gawa lang sa tsinelas gaya ng ilang karakter sa pelikulang "Transformers."
Hindi tulad ng iba na kumakapit sa patalim at gumagawa ng iligal na gawain, si Elmer, nagsisikap na mabuhay nang patas sa pamamagitan ng pamumulot ng lumang tsinenas na ginawa niyang laruang "robot" upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mag-iina, at pati na ang magulang ng kaniyang asawa.
At sa kaniyang pagsisikap at angking talento, tila may naghihintay na magandang bukas para kay Elmer. Panoorin:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
