Kinagiliwan ng netizens ang nakatutuwang reaksyon ng isang pulis na rumesponde para hulihin ang isang hindi kalakihang ahas na nakapasok sa isang tanggapan sa University of Central Florida.

Sa video na ini-upload sa Facebook account ng UCF Police Department, makikita ang pulis na nakauniporme habang may hawak na tila basurahan para isaklob sa ahas.

 


Habang kumukuha ng tiyempo ang pulis para mahuli ang ahas, maririnig sa video ang pagsigaw niya at napaatras pa nang gumapang ang ahas para tumakas.

Ang mga tao na kasama niya sa kuwarto, hindi mapigilang matawa sa eksena ng pulis.

Sa huli, nakalabas ang ahas nang buksan ng pulis ang pintuan at itinaas saka niya itinaas ang dalawang kamay sa tuwa at tagumpay.

 


Nakasaad sa caption ng video na, "We catch bad guys, not snakes," at "Even our officers get a little scared sometimes." (Larawan. Screengrab mula sa UCF Police Dept. FB account) -- FRJ, GMA News