Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung sino ang "tirador" ng mga nitso sa isang sementeryo sa Bangued, Abra na muli na namang sumalakay.
Reklamo sa pulisya ng mga kaanak ng mga pumanaw, nalaman na lang nilang binutas at sinira ang nitso ng kanilang mahal sa buhay na pinaniniwalaang inatake nitong nagdaang Semana Santa.
Kabilang sa mga nabiktima ang isang nitso na nilagyan ng cellphone at mga damit bilang "pabaon" sa yumao.
Ito na umano ang ikalawang pag-atake ng kawatan sa mga puntod sa naturang sementeryo ngayong taon.-- Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA News
