Isang batang apat na taong gulang ang mahigit kalahating oras umanong nakalambitin sa balkonahe ng ika-limang palapag ng gusali sa Pingtung City sa Taiwan.
Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Lunes, sinabing June 23 nangyari ang insidente nang lumusot sa rehas ang bata at maipit ang ulo nito habang nakalambitin.
Mag-isa lang umano noon ang bata sa bahay.
Kinailangan pang mag-rappel ang mga rescuer para mapuntahan ang kinaroroonan ng bata at saka nila hinatak pataas.
Maayos naman umano ang kalagayan ng bata at hindi lubhang nasaktan sa nangyari sa kaniya.-- FRJ, GMA News
