Hindi inasahan ng isang babae na maibabalik pa sa kaniya ang nawala niyang cellphone pagkaraan ng pitong buwan.
Sa Facebook post ni Cha Buenconsejo, sinabi nito na nawala niya kaniyang iPhone noong Enero habang sakay ng bus sa Fairview, Quezon City.
Pero isang araw, isang estrangherong lalaki ang nag-text sa kaniya para ipaalam na nasa kaniya ang cellphone na napalot niya noong Martes.
Humingi pa umano ng paumanhin ang lalaki na ngayon lang siya nag-text dahil walang "charge" ang battery ng cellphone na kaniyang napulot at kinailangan pa niyang bumili ng charger.
Sa una, nagtaka si Buenconsejo kung bakit noong Martes lang napulot ang kaniyang cellphone samantalang noong Enero pa ito nawala sa kaniya.
"I did the sketchiest thing & met up with a stranger who texted me 2 days ago claiming he found a Lost iPhone last Tuesday on an aircon bus in Fairview. Obviously it’s insane cos i lost my phone 7 MONTHS AGO. He even apologized texting 'sorry ngayon ko lng na text bumili pa kasi ako charger para ma on at malaman kanino to,'" saad ni Buenconsejo sa kaniyang Facebook post.
"Of course everyone warned me about a possible modus but im brave & very very very stupid so i took the chance," patuloy niya.
Hindi naman umano nagkamali sa kaniyang desisyon si Cha na makipagkita sa estranghero na kaagad daw niyang naramdaman ang kabutihan nito.
"The moment i saw him i knew he was a good fella. He handed me my phone along with the charger he bought," sabi ni Buenconsejo.
Pinayuhan pa raw siya ng lalaki na ingatan ang kaniyang cellphone.
"He told me 'mahirap kumita pakiangatan niyo yung gamit niyo mukhang mahal yung phone na yan,'" bilin umano sa kaniya.
Tumanggi rin umano ang lalaki na tanggapin ang ibinibigay niyang pabuya sa pagbalik sa kaniyang cellphone kahit galing pa ito sa Bulacan.
"He even REFUSED to accept my cash reward. So i insisted to at least give him money to commute because he came all the way from BULACAN.. Also told him to keep the charger & just sell it," aniya.
"The joy of getting my phone back after missing for 7 months pales in comparison to the comfort of knowing there are still good hearted people out there...," sabi pa ni Buenconsejo.
Ibinahagi ni Buenconsejo ang larawan ng lalaki nang paalis na ito para umuwi ng Bulacan.
"Here's a picture of humanity being restored. I WAS TOLD A MAN WHO WEARS CROCS IS A GOOD MAN.....," sabi ni Buenconsejo.— FRJ, GMA News
