Nag-viral ang video ng isang ate na nakiki-“In my Feelings” dance challenge sa gitna ng EDSA. Ngunit, sumikat man siya sa social media, hinahanap naman siya ngayon ng mga awtoridad dahil nakaisturbo umano siya sa daloy ng trapiko.
Pakiusap ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), huwag gayahin ang ginawa ng babae.
Sa video na kumalat sa social media, makikitang game na game ang ate sa paghataw. Bumagal ang daloy ng trapiko sa EDSA, at nadagdagan pa nang isang sasakyan ang sumingit.
Todo-cheer ang friends ng ate. "Wait lang mag-twerk ka muna diyan. Mag-twerk ka muna diyan. Humawak ka! Humawak ka du'n," sigaw ng isang cheerer. Umabot na sa mahigit 300,000 ang views ng video.
Pinaghahanap na ngayon ng mga taga-MMDA ang babae.
Dati nang nagpaalala ang MMDA sa mga nakiki-"In my Feelings" challenge na maari
Ayon sa MMDA, ang mismong driver na kasali sa challenge ay lumabag umano sa Anti-Distracted Driving Act, at may multa itong P5,000 sa unang paglabag; P10,000 ang pangalawa; at sa pangatlong pagkakataon, P15,000 ang multa at suspendido pa ng tatlong buwan ang lisensya.
Bukod umano sa paglabag sa Anti-Distracted Driving Act, maituturing din umanong reckless driving na may multang P500 sa unang paglabag; P750 at suspensiyon ng lisensya sa pangalawang paglabag; at P1,000 at pagbawi sa lisensya sa ikatlong pagkakataon.
Pahayag ng MMDA, "Kung sa loob ng village n'yo gagawin o sa parking lot 'yan ang mga lugar na hindi sakop ng MMDA. Pero subukan n'yo lang gawin 'to sa major thoroughfares, EDSA, C-5 Road, Commonwealth, Mabuhay Lanes, papatawan kayo ng mahigit P5,000 multa.
Sinusubukan pa umanong makuha ang panig ng babae sa video. Hindi rin muna siya ipinakita dahil posibleng menor de edad at baka lalo pang ma-bully, ayon sa MMDA. —LBG, GMA News
