Kinagigiliwan ang pagiging energetic ng mga bibong magkakaklase sa isang elementary school sa Davao City dahil husay nila sa sabayang pagbigkas. Ang pagbati nila sa simula ng klase, idinadaan nila sa tatlong wika.

Sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, makikita ang buhay na buhay ang pagbati sa kanilang guro at sa isa't isa ng mga estudyante ng Grade 1, section Urduja ng Upper Sirib Elementary School sa Davao City.

Ang kanilang pagbati ng good morning, sabay-sabay nilang ginawa sa Filipino, may English version, at pati na sa kanilang wika sa Davao.

Dahil sa high energy ng magkakaklase, sila rin ang pambato ni teacher Judelene Ibacitas sa sabayang pagbigkas.

Sa practice man o ibabaw ng stage, bigay na bigay ang mga mag-aaral. At maliban sa kalinisan at pagiging mabuting estudyante, kasama rin kanilang sabay-sabay na mensahe ang pagiging makabayan. -- FRJ, GMA News