Sa lalawigan ng Cebu tinayaan ang masuwerteng tiket na solong tumama ng mahigit P288 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado, January 3, 2025.

Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na tinayaan ang winning ticket sa lotto outlet sa Compostela, Poblacion, Cebu.

Ang kombinasyon ng mga numero na lumabas sa naturang draw ay 13-42-06-45-24–33, na may kabuuang premyo na P288,616,075.00.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo, January 4, na umaabot na rin ang jackpot sa mahigit P202 milyon.

Ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 19-50-20-51-37-52, na may kabuuang premyo na P202,600,000.00.

Wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49, na ang lumabas namang mga numero ay 35-19-13-39-23-24, at may jackpot prize na P91,996,756.70.

I-click ito para sa kompletong resulta ng lotto draws. — FRJ GMA Integrated News