Sinamantala na ng ilang Kapuso stars ang kanilang pahinga nitong holiday bago bumalik sa kani-kanilang mga trabaho at career.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing sinulit ni Rodjun Cruz ang kaniyang quality time kasama ang pamilya habang ine-enjoy nila ang pagpapakain sa mga penguin.

Snow angel ang peg ni PBB Celebrity Collab Edition ex-housemate Shuvee Etrata matapos maranasan ang winter sa unang pagkakataon sa Japan.

Makeover naman ang naging break ni Mike Tan habang nagsilbing stylists ang kaniyang mga anak.

Nakipaglaro ng basketball at nagpapawis si Allen Ansay kasama ang mga barkada sa probinsya.

Tinuruan ni Jennylyn Mercado ang anak na si Dylan ng pagsakay sa bike.

Holiday grind naman ni Kristoffer Martin ang padyak on the road.

Taking things slow pero colorful ang ganap ni “House of Lies” star Beauty Gonzalez.

Pag-restore naman ng lumang kotse ang naging kakaibang ganap ni Bubble Gang star Matt Lozano. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News