Patok sa netizens ang galing ng isang lola sa pagtugtog ng ukelele habang sinasabayan ang pagkanta ng kaniyang apo.
Ayon sa ulat nitong Huwebes sa "Balitanghali," pumalo na sa mahigit 1 million views ang "New York, New York" cover nina Mommy Lou at ang apo niyang si Erin.
Kuwento ni Mommy Lou, marunong na siyang mag-ukelele mula noong siya ay walong taong gulang pa lamang.
Jamming session ang naging bonding nilang mag-lola dahil hilig talaga ni Erin ang pagkanta.
Nagbigay ng mensahe ang lola-and-apo duo sa kanilang mga viewers:
"Sana po ma-realize nila kung gaano ka-precious 'yung time nila with the people who are close to them. Sana they spend more time off of their phones and more quality time with their family."-- Margaret Claire Layug/FRJ, GMA News
