Dahil malaking oras daw ang nasasayang sa trapik at paghahanap ng parking space, naisipan ng isang kompanya sa Israel na gumawa ng sasakyan na puwedeng "lumiit" para makasiksik.
Sa ulat ng Reuters, ipinakita ang four-wheel, two-seater na electrict car na likha ng City Transformer.
Kaya nitong "lumiit" para magkasya sa makipot na espasyo at daanan dahil na-a-adjust ang wheelbase o kabitan ng gulong ng sasakyan.
Para sa CEO ng City Transformer na si Asaf Formoza, ang kanilang sasakyan ang magiging "future for urban transportation"
Magkakahalaga ang naturang sasakyan ng $13,000 kapag inilabas sa merkado.-- Reuters/FRJ, GMA News
