Wakwak ang tiyan at nawawala ang mga lamang-loob nang matagpuang patay ang nasa 20 tupa at limang kambing sa Laoag City, Ilocos Norte. Ang hinihinalang may kagagawan ng pag-atake sa mga hayop, isang malaking aso.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing natadnan na lang ng may-ari ng mga tupa at kambing ang kaniyang ang mga alaga na patay.

Hinala niya, baka ang malaking aso na umatake umano sa kalapit na barangay noong nakaraang Disyembre ang umatake rin sa kaniyang mga alaga.

Ibinaon sa lupa ang mga namatay na hayop, samantalang kinatay at kinain naman ang iba.

Ngunit babala ang city veterinary office, hindi ligtas kainin ang mga namatay na hayop dahil posibleng may rabies ang umatakeng aso.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News