Nababalot umano ng takot ang isang pamilya sa Calasiao, Pangasinan dahil sa paniwala nila na mayroong manananggal na umaali-aligid sa kanilang bahay dahil sa mga yabag at kaluskos na gabi-gabi nilang nadidinig sa bubungan. 

Bilang panlaban, nakahanda ang kanilang sibat at bawang sakaling magkaroon ng pagtutuos. Para malaman na rin kung totoo ang pangamba ng pamilya, naglagay ng CCTV camera sa bubungan ang "Kapuso Mo, Jessica Soho," at nakunan ang "nilalang" na posibleng pinagmumulan ng mga kaluskos at yabag.

Kung ano ang nakunan sa CCTV, alamin sa video na ito ng "KMJS."

Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News