Dahil sa pagiging likas na masiyahin at "family-oriented" ng mga Pinoy, pinili ng isang Emirati na makibilang sa kaniyang mga Pilipinong kaibigan at aralin ang Tagalog para mas maunawaan pa niya ang ating kultura.

Siya si Ali Yousuf Ahmad Al Selaiti, na tinawag ng mga Pinoy niyang kaibigan bilang si "Ali Puti" dahil sa maputi niyang kompleksiyon.

Sa panayam ni Ali Puti sa Gulf News, sinabi niyang hinangaan niya ang pagiging friendly ng mga Pinoy kaya gusto niya ring sumama sa tawanan ng mga ito.

Nag-umpisa siyang mag-aral ng Tagalog noong 1986 at binigyan pa ng deadline ang sarili noong 2000, at ngayo'y proud na matatas na siya sa lenggwahe.

Panoorin ang kwento ni Ali Puti ng pag-aaral niya ng Tagalog.

—Jamil Santos/KG, GMA News