May birong kasabihan na ang taong nagigipit, sa utang na '5-6' kumakapit. Pero papaano naman kung hindi makasingil ang taong nagpautang? Sa kaso ng Indian national na pinagtaguan na raw ng umutang sa kaniya—kay kapitan siya lumapit.

Ang video habang naghihimutok ang nagpapautang na si Melvin, kinaaliwan ng ilang netizen dahil sa mga makatutuwang "hugot" niya sa mga umuutang sa kaniya.

"'Pag lindol 'di ramdam, pero pa ako dating layo pa lang ramdam na agad?," saad ni Melvin na nagsabing ang pagpapautang lang ang alam niyang kabuhayan sa Pilipinas.

"'Pag ako bigay [pera], tali aso, 'pag ako singil 'di na tali," natatawa pa niyang dagdag habang nasa barangay.

Kung luma na ang sistema ng pagpapautang ni Melvin, may moderno na rin namang paraan sa pamamagitan sa pamamagitan ng mga "lending app" sa internet.

Pero natuklasan na may mga reklamong inihain sa National Privacy Commission laban sa mga lending app dahil sa umano'y paggamit ng mga kompanya sa private data ng mga umutang para gipitin sila na magbayad.

Panoorin ang buong pagtalakay tungkol isyu ng pangungutang sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News