Kinagigiliwan ngayon ang netizens ang dalawang pusa na ang isa ay mukhang laging nakasimangot, habang suki naman ng tindahan ang isa pa pero hindi naman daw nagbabayad.


 

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, ipinakita ang video ng isang "pusakal," o pusang kalye na dumungaw sa isang tindahan sa Maynila.

Nang tanungin ng nagtitinda ang pusa kung ano ang gusto niya, tila itinuro naman nito ang isang pagkain at ibinigay sa kaniya.

Pero nang maisubo ang pagkain, bigla nang umalis ang pusa

Kuwento ng uploader na tindero ng tindahan, madalas lang daw talagang pumunta sa tindahan ang pusa para manghingi ng pagkain.

Nasanay na lang daw siguro ang pusa dahil lagi raw nila itong binibigyan ng pagkain.

Sa isang pang video,  makikita naman na tila nakasimangot ang isang alagang pusa habang kunwaring pinapagalitan ng kaniyang amo dahil sa hilig daw na kumain.


Sabi ng kanyang amo, sadya lang daw na talagang mukhang masungit ang kaniyang pusa, na isang persian cat.

Pero ang totoo, malambing daw at nagpapahele pa kapag ang puso kapag gustong matulog. --FRJ, GMA News