Viral ngayon ang isang "tita" mula sa San Pablo City, Laguna dahil sa nakakaaliw niyang pamamaraan para mapatahan ang pamangkin niyang umiiyak.
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, napapatahan ni tita ang kanyang pamangkin sa pamamagitan ng hataw na hataw niyang pagsasayaw.
Achieved naman ang goal ni tita habang si baby ay chill na chill. Hindi raw kasi umuubra ang simpleng pagbuhat at tapik sa bata.
Kaya naman naisip niya na lang sayawan ang pamangkin.
May halos dalawang milyong views na ang video ng mag-tita! —KBK, GMA News
