Isang  babae sa Kidapawan City ang napaanak ilang oras bago siya ikasal, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Papunta na sana sa city hall ang buntis na bride at kanyang groom para sa kanilang civil wedding, pero biglang sumakit ang tiyan ng babae at imbes na sa city hall, sa ospital siya idineretso.

Pagkatapos magsilang ng malusog na baby girl, itinuloy ni mayor sa ospital ang kanilang kasal.

Tumayong saksi ang mga tauhan ng ospital na kinikilig sa pag-iisang dibdib kasama ang bagong silang na sanggol. —KBK, GMA News