Palaisipan para kay Edwin ang isang misteryosong bato na napulot niya habang nagtatrabaho sa isang sapa sa kanilang bayan sa Lopez, Quezon. Unang duda niya, marker ito para sa isang natatagong yaman.

Pero sa pananaliksik ng isa niyang kamag-anak, napansin nila na tila may pagkakahawig ito sa hitsura ng mga itlog ng dinosaur na ibinebenta sa mga museum at art collectors.

Sinamahan ng team ng Kapuso Mo, Jessica Soho si Edwin sa Mines and Geosciences Bureau upang ipasuri ang misteryosong bato.

Pero taliwas sa kanilang hinala, natuklasan nilang isang septarian concretion. Ano ito? Panoorin ang video. —JST, GMA News