Hindi naging hadlang ang kawalan ng sasakyan para sa isang bride at groom sa Pikit, North Cotabato, na binisikleta ang pagpunta nila sa kanilang kasal.
Sila sina Roger Delen at Kenneth Pasaol, na 24 taon nang nagsasama at may isa nang anak, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.
Hindi makapagpakasal sina Roger at Kenneth dahil sa hirap ng buhay, kaya nang malaman nila ang tungkol sa kasalanang bayan sa kanilang lugar, hindi na sila nag-atubili pang kunin ang pagkakataon.
Hindi nga lang sila nakakuha ng sasakyan, pero walang problema dahil may bisikleta naman sila para puntahan ang seremonya. — Jamil Santos/RSJ, GMA News
