Natatangi ang isang kalabaw sa Ubay, Bohol dahil hindi itim kundi puti ang kaniyang mga mata, na kulay din ng mga mata ng kalabaw na albino.

Sa ulat ng GMA News "QRT" nitong Biyernes, sinabing pangkaraniwan lang ang kalabaw sa unang tingin dahil maitim din ang kulay ng kaniyang balat, pero agaw-pansin ang mga maputi niyang mata.

Nasa pangangalaga ng Philippine Carabao Center ang naturang kalabaw.

Sinabi ng ahensiya na nanggaling pa ang "white-eyed" kalabaw sa bansang Bulgaria, kung saan minana niya ang mga puting mata ng kaniyang ama. — Jamil Santos/MDM, GMA News