Kadalasan sa isang kasalan, ang karaniwan na sinasakyan ng mga ikinakasal ay bridal car o kahit anong uri ng puting sasakyan.
Ngunit naiiba ang naganap na kasalan nitong Sabado nina Jovert Torres at Marjorie Rombaoa na ikinasal sa simbahan ng Centro La Caridad, Barangay Tual, Pres. Quirino, Sultan Kudarat.
Sa halip na bridal car ang kanilang ginamit ay isang kariton na hila-hila ng kalabaw ang kanilang sinakyan.
Ang groom ay isang sundalo habang ang kanyang bride ay isa namang guro.
Lahat at tuwang-tuwa sa pagdaan ng mag-asawa. Hindi maiwasan ang kunan ito ng larawan.
Sina Jovert at Marjorie ay ikinasal ng kanilang Officiating Brother Councilor Rommel Arabejo.
Ito raw ang kauna-unahang kasalan sa nasabing bayan na gumamit ng kariton.
Nais lang daw ng groom and bride na maging kakaiba ang kasalan. Native o yari sa kahoy ang sasakyan. —KG, GMA News
