Hinahangaan ngayon ang isang 14-anyos na binatilyo sa Bulacan matapos siyang makagawa video game kung saan binabaril ng isang frontliner doctor ang mga nagkalat na COVID-19.

Makikita sa game na suot ng doktor ang mask at armado ng frozen alcohol para masugpo ang mga kalabang virus, ayon sa ulat ni Manal Sugadol sa "Stand For Truth."

Misyon ng karakter sa laro na ubusin ang virus at iligtas ang mundo mula sa pandemic.

Ginawa ito ng binatilyong si Theo Ariel Rivas ng Calumpit, Bulacan, na home-schooled ng mga magulang.

Ayon kay John, natuto siya ng game development at programming sa pamamagitan lamang ng mga online tutorial.

PC-version muna ng game sa ngayon ang binubuo ni Theo, pero naisip na rin niyang gumawa ng IOS at Android version nito.

Hinangaan naman ng iba pang game developers ang husay ni John dahil sa kaniyang nagawa sa murang edad at sa panonood lang ng online tutorial. --Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags: