Isang baka ang isinilang sa Atimonan, Quezon na isa lang ang mata at walang ilong.

Ayon sa YouScooper ba si Michael Santander, pinangalanan ang baka na "One Eye," na isinilang noong Mayo 28 sa Barangay Kulawit sa Atimonan.

LOOK: Anak ng kambing, tila pinaghalong baboy at tao ang hitsura

LOOKBiik, buhay na isinilang na may dalawang mukha

Pagmamay-ari daw si One Eye ng kaniyang kapitbahay at humingi raw ito ng tulong sa municipal agriculture office pero namatay din ang baka kinalaunan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na mayroon baka na isinilang na isa ang mata at walang ilong.

Noong 2012, may  naiulat din na ganitong insidente sa Iloilo at hindi rin nagtagal ang buhay ng baka dahil sa hirap na huminga.

Ayon sa espesyalista, congenital abnormality ang nangyari sa hayop.


--FRJ, GMA News