Mga tigasin at lapitin daw ng mga babae ang isang grupo ng magbabarkadang lalaki sa Bataan. Hanggang sa ang isa kanila, nagtapat na beshie siya at crush niya ang isa sa kaniyang tropa. Paano na ang samahan?

Solid daw ang tropa ng limang lalaking magbabarkada at nangako silang walang iwanan sa kanilang samahan.

Pero si Einok na itinuturing kuya ng grupo at isang dating sakristan, unti-unti palang nagkakaroon ng lihim na pagtingin sa kaniyang tropang si Kenneth, na mayroon nobyang babae.

Pag-amin ni Einok, kung minsan ay hindi niya maiwasan na magselos kapag kasama ni Kenneth ang kasintahan.

Hanggang sa tuluyan nang ipagtapat ni Einok ang kaniyang damdamin kay Kenneth, at ipaalam na rin sa tropa na isa siyang beshie.

Nais din ni Einok na maging ganap nang malaya at sumali sa "sagayla" kung saan hiniling niya sa kaniyang tropa na samahan siya bilang mga escort.

Masunod pa kaya sa pagkakataong ito ang pangako ng tropa na walang iwanan? At sumama kaya si Kenneth? Panoorin ang sagot sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News