Dahil sa sobrang laki ng kaniyang kinain, hindi na nagawang makakilos ng isang sawa na nakita sa kalsada at kinailangan na siyang sagipin sa Uttar Pradesh sa India.

Ang video sa ginawang pagsagip sa dambuhalang sawa ay ipinost sa Youtube ng wire news agency na Reuters.

Sa video, makikita ang sawa na hirap na hirap kumilos habang pinagmamasdan ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Pinagtulungan ng rescue team na buhatin at isakay ang sawa sa truck at saka umano pinakawalan sa gubat.

Ayon sa mga online news, isang malaking kambing ang nasa tiyan ng sawa.--FRJ, GMA News