Inakala ng isang 19-anyos na teenager mula sa Ohio, USA na appendicitis lamang ang sakit na nararamdaman sa kaniyang katawan. Ang hindi niya alam, buntis siya at manganganak na.

Sa GMA News Feed, sinabing nagtungo si Nadia Rhoads sa ospital dahil sa labis na pananakit ng kaniyang tagiliran at likod.

"I had no signs at all of being pregnant. I was on birth control, I was having a period every month. I wasn't gaining any weight," sabi ni Nadia.

Gayunman, naging antukin daw si Nadia at ilang beses din siyang nakaranas ng pananakit ng ulo.

Maliban dito, walang ibang palatandaan ang babae na nagdadalang-tao siya dahil nga sa nireregla siya at umiinom siya ng birth control pills.

Kaya nagulat na lamang si Nadia nang malamang buntis siya.

Sa kabila ng lahat, maayos niyang isinilang si Baby Delaney Mae O'Donnell, na tumimbang ng 6 lbs at 11 oz.

"I didn't know what to think at first. I definitely did well for as soon as they told me that I was pregnant. It was really weird. Just because I was meeting this whole new person that's been inside of me for nine months but I had no idea about," sabi ni Nadia.

Dahil hindi niya napaghandaan ang pagiging nanay, hindi alam ni Nadia ang ginagawa noong una.

Pero nagampanan niya ito sa tulong ng kaniyang boyfriend at ng kaniyang ina.

"I just kind of wanted people to know that it does happen and the people that it has happened to, I want them to know that they're not the only one. Because that's how I felt," sabi ni Nadia.


--FRJ, GMA News