Sa panahon na wala pang internet, ipinapadala noon sa pamamagitan ng koreo o post office ang sulat na kung tawagin ay “snail mail." Pero bakit naman inabot ng 51 taon bago nakarating sa mga pagdadalhan ang ilang sulat sa Lithuania? Alamin.

Sa video ng GMA News Feed, napag-alam na 18 liham na ginawa noong 1970s ang nakita sa isang tinibag na pader sa dating post office sa Vilnius.

Ayon kay Jurgis Vilutis, may-ari ng gusali, nagre-renovate sila nang mahulog ang mga sulat at makita ng mga gumagawa.

Tinanong daw siya ng mga manggagawa kung ano ang gagawin nila sa sulat.

"We collected it and construction workers asked us what we wanted to do throw it away...which is the easiest part or try to do to something with it. So we decide," ani Vilutis na dinala sa post office ang mga sulat.

Hinala ni Vilutis, maaaring magnanakaw ang nagtago ng mga sulat matapos na tingnan kung may pera o pakikinabangan sa mga ito.

Buwan ang ginugol ng mga postal worker upang mahanap ang pinagdalhan ng mga sulat sa mga nangyaring pagbabago sa lugar. Lima na lang ang buhay na nakakuha ng mga kanilang mga sulat.

Ang iba, pumanaw na at mga kamag-anak na lang nilang tumanggap.

"Most people who received the letters now were emotional because it's like, a letter from 50 years ago. One lady said it's like receiving a message in a bottle from the sea. They were emotional, on the other hand those who received an old letter that was for their father said they felt they could find out more about what the parents' daily life was like in those days," ayon kay Deimante Zebrauskaite, Customer Experience Head, Laithuanian Post.

"It's like small historical moment, some small piece or moment of those days, how they lived, how they felt, what was important to them 50 years ago," dagdag niya.

Isa si Genowefa Klonovska sa mga nakatanggap ng sulat na inakala raw niya noong una na binibiro lang siya.

"I was surprised. I thought it is a joke - that someone was playing a prank on me. If it was April fool's day, I would really have thought it was a joke. But they called several times, and I said they could send it over to my current address," saad niya.

"They said no, they kindly said they want to meet personally, they wanted to hand-deliver it, because it came such a long way," patuloy niya.

Nang gawin ang sulat, 12-anyos lang noon si Genowefa at mula sa pen pal niya sa Poland ang sulat. Panoorin ang video at alamin kung tungkol saan ang mga sulat. Panoorin.

--FRJ, GMA News