Hindi lang mga sasakyan kundi ilang kalabaw din ang ginawang i-drive-thru sa isang fast food restaurant sa Rizal, Nueva Ecija.
Sa ulat ng State of the Nation, ikinuwento ng uploader na si Sonny Avendanio na huling hakot na nila ng ani noon ng kaniyang mga kasama nang maisipan nilang sa fast food restaurant na bumili ng pagkain.
Dahil dala-dala nila ang mga kariton at kalabaw, isinama na rin nila ang mga ito sa drive-thru.
Nagpaubaya naman ang ibang mga sasakyan at pinauna ang mga kalabaw at ang mga sakay nito.
Ikinatuwa ito ng mga nakasabay ng mga kalabaw sa drive-thru, pati ang netizens. —LBG, GMA News
