Naimbento sa United Kingdom ang sunglasses na kayang mag-display ng subtitles ng iyong kausap.
Sa Unang Balita nitong Martes, sinabing layong tulungan ng naimbentong augmented reality (AR) glasses ang mga hirap makadinig.
Kapag suot ng isang tao ang AR glasses, real-time na lalabas at ita-transcribe ng salamin ang sinasabi ng isang tao.
Nababasa mismo sa sunglasses ang mga lalabas na subtitles.
Nakakonekta ang sunglasses sa smartphone na may application na nagsisilbing translator.
Patuloy na pinagbubuti ang imbensyon para makapag-translate pa sa ibang lengguwahe. —Jamil Santos/VBL, GMA News
