Kabilang ang mga Pinay sa mga pinaka-aktibong viewers sa adult content na Pornhub ngayong 2025, ayon sa taunang user data ng website mula sa kanilang “Year in Review” insights.

Batay sa ulat ng website, ang mga kababaihan mula sa Pilipinas ay bumubuo ng 64% ng lahat ng bumibisita sa site. Dahilan upang maging isa ang Pilipinas sa tanging tatlong bansa sa top 20 na mas marami ang babaeng manonood kaysa sa mga lalaki.

Samantala, napanatili ng Pilipinas ang puwesto nito bilang 3rd top country sa buong mundo pagdating sa site traffic, na mas matagal ang ginugugol na oras sa site ngayong taon. Nanguna ang United States, at sinundan ng Mexico.

Ang karaniwang tumatagal ng 10 minuto at 53 segundo sa pagbisita sa site ng mga tao sa Pilipinas, at halos dalawang minuto na mas matagal kumpara noong nakaraang taon.

Ipinakita rin ng ulat na karamihan sa audience sa Pilipinas ay mga kabataan. Halos kalahati ng kabuuang traffic (49%) ay mula sa edad 18 hanggang 24, habang ang edad 25 hanggang 34 naman ang karagdagang 29% na mga bisita.

Mataas din ang paggamit ng cellphone sa bansa. Ayon sa ulat, 96% ng lahat ng bumibisita sa site ay gumagamit ng cellphone, isa ito sa pinakamataas sa buong mundo.

Lumabas din na ang mga Pilipino ang pinakamaraming naghahanap ng content tungkol sa kapwa Pilipino kumpara sa ibang mga bansa sa top 20.

Ang “Pinay” ang pinakamaraming hinanap na termino sa bansa, habang pangatlo naman sa most searched term sa mundo. —Carby Rose Basina/FRJ GMA Integrated News