Idinisenyo ang isang inflatable na Martian house sa England para mas mapag-aralan pa kung paano kakayanin ang posibleng pagtira sa Mars.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing makikita ang inflatable Martian house prototype sa Bristol.
Solar-powered ang dalawang palapag na bahay para kayanin ng mga tao ang lamig na -63 degrees Celsius na temperatura sa Mars.
Meron din itong hydroponic living room kung saan puwedeng magpahinga ang mga residente kasama ang mga halaman.
Sa underground na palapag naman ng bahay matatagpuan ang light support system sleeping pods, shower at Martian loo.
Nakatakdang buksan ang bahay sa publiko sa katapusan ng Agosto, na tatagal hanggang Oktubre. --Jamil Santos/FRJ, GMA News
