Inakala ng mga ninong at ninang na mapuputulan na sila ng kuryente matapos makatanggap ng wedding invitation na mala-disconnection notice ang disenyo mula sa isang couple.

Sa ulat ni Mariz Umali sa State of the Nation, sinabing ito ang paandar na wedding invitation nina radio disc jockey Joy Babor a.k.a. Lyka Barista, at Super Radyo dzBB reporter Luisito Santos.

Dinisenyuhan ng couple na mala-electric bill ang kanilang “notice of connection” na wedding invitation.

Dahil sa disenyo, para na rin silang namimigay ng monthly bills nang ipadala ang mga invitation sa kanilang mga ninong at ninang.

Ayon sa couple, pagtitipid na rin nila ito dahil gaya ng bill ng kuryente, mahal ang pagpapagawa ng wedding invitation. —LBG, GMA Integrated News