Nakaranas ng matinding thunderstorm ng Hubei, China na nagdulot ng malakas na ulan at hangin. Ang ilang staff at customer sa isang restaurant, mistulang "tinangay" ng hangin at umangat sa ere.
Sa video ng GMA News Feed, makikita na kumapit sa metal frame ng malaking tolda ang mga customer at staff ng isang kainan nang maramdaman nila ang malakas na hangin.
Pero lalo pang lumakas ang hangin na nagpaangat sa tolda at metal frame na kinakapitan ng mga tao.
Tatlo sa kanila ang hindi kaagad nakabitaw kaya mistula silang tinangay ng hangin at umangat sa era. Ang isa, bumagsak sa bubongan ng katabing restaurant.
Nagtamo siya ng bali sa katawan at dinala sa ospital. Ligtas naman ang iba pa, habang nagdulot ng pinsala ang thunderstorm sa ilang establisimyento, at nagpalubog sa ilang kalsada. --FRJ, GMA Integrated News
