Isang bagong planeta na mala-higanteng salamin ang hitsura at napakainit ng temperatura ang nadiskubre ng mga nagsasaliksik sa loob ng ating galaxy.

Sa ulat ng Next Now, sinabing pinangalanang LTT9779b ang planeta, na nag-o-orbit sa isang star kada 19 oras, at mas malaki ng bahagya sa Nepture, ayon sa researchers.

May layo itong 264 light years mula sa Earth, na halos limang beses ang laki sa ating mundo.

May temperatura itong umaabot sa 1,800 Celsius, o mas mainit pa sa molten lava.

Base sa kuha ng James Webb Space Telescope, nababalot ang LTT9779b ng mala-metal na ulap na binubuo ng titanium at silicates.

Walumpung porsiyento umano ng ilaw ang nagre-reflect sa atmosphere ng planeta kaya tila isa itong higanteng salamin.

Ang LTT9779b ang itinuturing "most reflective object" sa universe ngayon, na malapit sa star na kahalintulad ng araw, pero hindi nasusunog sa mataas na temperatura.

“No other planet like this has been discovered to date,” sabi ni Sergio Hoyer ng Marseille Astrophysics Laboratory.

“The diversity of exoplanets is stunning and we have just scratched the surface,” sabi naman ni Vivien Parmentier ng Côte d'Azur Observatory. -- FRJ, GMA Integrated News